MANILA, Philippines — Iminungkahi kahapon ng isang mambabatas sa DepEd, Commission on Higher Education (CHED), Technical Education and Skills, Development Authority (TESDA) at Inter Agen-cy Task Force (IATF) na ipagpaliban ang pagbubukas ng klase sa Hunyo at gawin na lang sa Agosto o Setyembre dahil sa matinding banta sa kalusugan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) partikular na sa mga estudyante.
“Huwag po nating ipilit buksan ang school year sa June. Mabuti nang nag-iingat at daig ng maagap ang masipag. “Maraming eskuwelahan ang kinailangang gamitin bilang staging area, relief goods distribution center, o temporary community quarantine facility. Marapat lamang na malinis nang maigi ang bawat sulok ng mga paaralan,” wika ni ACT CIS Partylist Rep. Jo-celyn Tulfo.
Anya, kailangan munang mag-ukol ng isang buwan para sa decontamination ng lahat ng mga school, sports facilities kabilang ang mga dormitory na nagamit sa COVID 19 response measures.
Hiniling rin ng Kongresista sa Departments of Finance, Department of Budget and Management, at mga education agencies na irekomenda sa Kongreso ang Pantawid Edukasyon conditional cash transfer program para sa lahat ng mga estudyante na nasa low income at lower - middle income brackets.