^

Police Metro

Ilang senador nag-donate na ng kanilang sahod

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inihayag ni Senate President Tito Sotto III na tahimik lamang umanong nag-donate ng kanilang sahod ang ilang senador para makatulong sa paglaban sa coronavirus disease 2019 (COVID-29) at ayaw lamang nila itong ipa-media.

Para naman kay Senador Joel Vilanueva “God knows” o ang Diyos lang ang nakakaalam na silang mga senador ay tumutulong sa taumbayan sa gitna ng COVID-19.

Aniya, hindi ngayon ang tamang panahon para magturuan  at magsisihan at hindi maging pabigat  kundi dapat ay magtulungan dahil maraming tao ngayon ang namamatay na mismong mga Filipino at kakilala.

Sinabi naman ni Senador Sherwin Gatchalian na ang kanilang pagdo-donate ay para makatulong sa mga kababayan at marami rin silang mga empleyado sa Senado na “no work, no pay” tulad ng mga janitor, at mga waiter.

Tila nagpasaring naman ni Senador Panfilo Lacson kay Manila Mayor Isko Moreno, na namamahagi ang gobyerno ng tulong pinansyal kasama na ang lungsod ng Maynila dahil nagpagod at nagpu­yat sila  kahit may banta ng COVID-19 para ipasa ang Bayanihan Act dahil ito umano ang kanilang mandato at mali ang paratang na wala silang ginagawa.

COVID-19

SAHOD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with