12 Chinese medical experts dumating na sa Pinas
Tutulong para labanan ang COVID-19…
MANILA, Philippines — Sinalubong kahapon ni Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin Jr., ang pagdating sa bansa ng isang grupo ng medical experts mula China upang tumulong na masawata ang coronavirus disease (COVID-19) pandemic.
Sinabi ni Locsin na ang China ay nagpadala ng 10 medical experts at dalawang opisyal upang magbahagi ng technical advice para sa prevention at pag-kontrol ng COVID-19 sa bansa.
Humingi ng tulong ang DOH sa China matapos na bumaba ang kaso ng virus sa kanilang bansa na kung saan sa China nagmula ang bagong strain ng coronavirus.
Tinanggap din ni Locsin ang bagong donasyon mula sa China para makatulong sa paglaban sa COVID-19 tulad ng non-invasive ventilators, personal protective equipment (PPE) at face masks.
- Latest