MANILA, Philippines — Umabot na sa P1.6 bilyon ang total ng “pledge donations” na “in cash” at “in kind” ng Project Ugnayan, na binubuo ng mga top business groups sa kooperasyon ng Philippine Disaster Resilience Foundation (PDRF) at Caritas Manila.
Sinabi ni Guillermo M. Luz., Project Spokesperson at Chief Resilience Officer ng Philippine Disaster Resilience Foundation (PDRF) na ang layunin ng proyekto ay mapagkalooban ng P1,000 halaga ng grocery vouchers ang mga mahihirap na pamilya na hindi makapagtrabaho dahil sa ipinatutupad na “enhanced community quarantine” na kung saan sa nakalipas na 10 araw ay nakapag-distribute na sila ng mahigit 218,119 mahihirap na pamilya sa Metro Manila na pinamahalaan ng Caritas Manila.
Ang “first wave” ng donasyon na natanggap ng Ugnayan Project ay mula sa Aboitiz Group, ABSCBN/First Gen, Alliance Global Group & Megaworld, Ayala Corporation & Zobel Family, AY Foundation & RCBC, Bench/Suyen Corp, Century Pacific, Concepcion Industrial, DMCI Group of Companies, Gokongwei Group of Companies/Robinsons Retail Holdings, ICTSI, Jollibee, Leonio Group, Mercury Drug Corporation, Metrobank, Nutri-Asia, Oishi/Liwayway Marketing Group, PLDT/Metro Pacific Investments Corporation, Puregold, Ramon S. Ang & Family, SM/BDO, Sunlife of Canada at Unilab.