MANILA, Philippines — Hulihin ang mga pasaway sa motor riders na may angkas, ito ang iniutos ng pamunuan ng Department of Transportation (DOTr) sa Philippine National Police.
Ayon sa DOTr, hindi nila pinapayagan ang pag-aangkas sa mga motorsiklo sa buong Luzon, sa buong panahon ng lockdown, bilang bahagi ng ipinatutupad nilang social distancing.
Sinabi ni DOTr Assistant Secretary Goddes Libiran, ang naturang ban sa backride sa buong Luzon ay epektibo noon pang Marso 16 kung kailan sinimulang ipatupad ng pamahalaan ang enhanced community quarantine sa Luzon, upang masugpo ang coronavirus disease 2019 (COVID-19).