^

Police Metro

SK chairman nagwala sa quarantine checkpoint, inaresto

Jorge Hallare - Pang-masa
SK chairman nagwala sa quarantine checkpoint, inaresto
Ayon kay Capt. Dexter Panganiban ng Albay Police, alas-3:00 ng hapon, tumawag ng responde si Brgy. Capt. Felimon Bismonte hinggil sa pagwawala ng suspek na noon ay nasa impluwensiya ng alak sa inilatag nilang barangay checkpoint kaugnay ng pag-iingai sa corona virus disease.
Walter Bollozos/File

MANILA, Philippines — Isang incumbent Sanggunian Kabataan (SK) Chairman ang inaresto matapos itong magwala sa inilatag na qua­rantine checkpoint   sa Purok 1, Brgy. Lagundi, Rapu-Rapu, Albay.

Kinilala ang suspek na si Armando Botin Echemane, binata, na nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso.

Ayon kay Capt. Dexter Panganiban ng Albay Police, alas-3:00  ng hapon, tumawag ng responde si Brgy. Capt. Felimon Bismonte hinggil sa pagwawala ng suspek na noon ay nasa impluwensiya ng alak sa inilatag nilang barangay checkpoint kaugnay ng pag-iingai sa corona virus disease.

Hindi umano nagustuhan ni Echemane ang paglalagay ng barikada na binabantayan ng tanod na si Laila Bismonte kaya tinanggal niya ito at sinipa.

Bukod sa paglabag ni Echemane sa enhanced community quarantine at sa ipina­tutupad na liquor ban sa buong lalawigan ay sasampahan pa ito ng kasong serious disobedience to an agent of a person in authority.

NAGWALA

SANGGUNIAN KABATAAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with