MANILA, Philippines — Isasagawa na lamang sa pamamagitan ng teleconference ang mga pulong ng Inter Agency Task Force on Emerging Infectious Disease.
Kani-kaniyang self quarantine kasi ngayon ang ilang mambabatas at Gabinete matapos makasalamuha si ACT-CIS Party-list Representative Eric Go Yap na positibo sa COVID-19 na dumalo sa meeting para sa COVID-19.
Ayon kay Senador Christopher Lawrence “Bong” Go, mabigat man sa kanyang kalooban, kailangan niyang sumailalim sa labing-apat na araw na self-quarantine para masiguro na hindi makokompromiso ang kalusugan ng ibang tao.
Sa panig ni Budget Secretary Wendel Avisado, sasailalim na rin siya sa self-quarantine matapos makasalumuha si Yap.Tuloy rin ang kanyang trabaho sa pamamagitan ng teleconferencing sa kanyang mga tauhan.
Nag self-quarantine na rin sina Social Welfare and Development Secretary Rolando Bautista, Interior Secretary Eduardo Año at Presidential Adviser on the Peace Process Secretary Carlito Galvez na pawang nakasalamuha ni Yap sa Malakanyang.
Maging si Cabinet Secretary Karlo Alexi Nograles na tumatayong spokesperson ng Inter Agency Task Force on Emerging Infectious Disease ay kusang nag-self-quarantine na rin kahit hindi niya nakasalamuha si Yap.
“Work from home na muna ang kanyang gagawin ngayon lalo’t delikado ang banta sa COVID-19.
Teleconferencing na aniya ang set up ngayon ng IATF.” pahayag ni Nograles.