COVID-19 case sa Quezon City, 62 na
MANILA, Philippines — Nasa 62 kaso na ng COVID-19 ang naitala kahapon sa Quezon City makaraang dumagdag ang 13 bagong kaso sa lungsod.
Ang mga bagong kaso ay nagmula sa district 1-Barangay Bagong Pag Asa-1, District 3-Barangay San Roque - 2, Barangay Matandang Balara -1 at sa District 4- Barangay Immaculate Concepcion-1, Barangay Kristong Hari-1, Barangay pinyahan-1at Barangay South Triangle -2, District 5- Barangay Kaligayahan -1, Barangay Fairview- 1 at sa District 6 - Barangay Pasong Tamo-2 kaso.
Patuloy na ipinatutupad ang Extreme Enhance Community Quarantine (Red Zone) sa Barangays Tandang Sora, Kalusugan, Ramon MAgsaysay, Maharlika, San Isrido labrador, Tatalon, Damayang lagi, Batasan Hills, Masagana, Bagong Silangan, Pasong Tamo at Central.
Walang positibo sa Covid 19 sa Barangay Central pero isinama siya sa Extreme Enhance Community Quarantine dahil sa mga ospital na naririto na gumagamot ng mga pasyenteng may COVID-19.
Hindi naman naisama sa isinailalim sa red zone ang Barangay Old Balara dahil isa lamang ang aktibong kaso dito, isa na ang namatay dito at isa ang gumaling mula sa barangay na ito.
Ang Barangay Bagong Lipunan ng Crame na may tatlong positibo ay hindi isinama sa red zone dahil ang mga pasyente ay mula lamang sa iisang bahay.
Ayon sa QC health department, may anim na katao na ang gumaling sa QC at anim naman ang nasawi dito.
- Latest