MANILA, Philippines — Kinumpirma ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang pagganda ng kalidad ng hangin sa Metro Manila.
Ito ay kasunod ng isang linggo nang pag-iral ng enhanced community quarantine sa buong Luzon.
Sa inilabas na datos ng DENR-NCR, alas-8:00 ng umaga kahapon ay maayos ang kalidad ng hangin sa maraming lungsod sa NCR.
Good umano ang air quality sa Marikina, Malabon, San Juan, Pasay, Taguig at Paranaque City.
Habang moderate/fair naman sa North Caloocan, Pasig, Makati at Las Pinas City.
Ito ay bunsod ng kakaunting sasakyan na bumibiyahe dahil sa suspensyon ng klase at pasok sa trabaho.