Unahin sa testing kit ang mga may sintomas ng COVID-19
MANILA, Philippines — Nanawagan si dating Health Secretary at ngayon ay Ilolilo Rep.Janette Loreto Gariln sa publiko na huwag magpanik at hayaan ang mga doktor na unahin muna sa testing kits ang mga pasyenteng may sintomas ng COVID-19.
“Remember that 80% of those who will get sick wil have mild symptoms and will be self limiting. However, 20% will have moderate to severe symptoms, 2% of which can progress to a “very bad” situation. These 20% needs our help and understanding. Sila ang dapat ma-diagnose ng agaran. COVID is an illness where time is of the essence and fast means saving lives,” apela ni Garin.
Aniya, kapag mas malala ang sintomas ay mas madaling makahawa ang may COVID-19 kaya mas dapat unahin sa testing kits ang mga pasyenteng kinakitaan ng sintomas ng nakamamatay na karamdaman.
“If we prioritize symptomatic patients, mas maaga nating makikilala ang mga pasyenteng positibo. Mas maaga ring magagawa ng DOH at DILG (Department of Interior and Local Government) ang contact tracing. Direct contacts of COVID patients can isolate themselves and reduce transmission to others,” punto ni Garin.
Ayon kay Garin, mas mapangangalagaan ang mga frontliners dahil malalaman kaagad kung kailangan ba ng dobleng pag-iingat at paggamit ng mga Personal Protective Equipment (PPE).
Hinihingi ni Garin ang malawak na pang-unawa ng mga kababayan sa kalagitnaan ng krisis.
- Latest