MANILA, Philippines — Ilang kongresista ang nanawagan sa gobyerno na dapat tugunan ang pangangailangan sa supply ng pagkain, tubig, face mask at mga gamot laban sa COVID- 19 para sa milyon-milyong mga residente kaugnay ng implementasyon ng “enhanced community quarantine” sa buong Luzon at Metro Manila sa gitna na rin ng pagpapanik ng mga naapektuhang netizens lalo na ang mga empleyado at manggagawa na ‘no work, no pay’ sa loob ng isang buwan.
Ayon kay ACT-CIS Partylist at House Majority Leader Niña Taduran, bagaman ginawa ng administrasyon ang magagawa nito sa pagpapatupad ng enhanced community quarantine sa buong Luzon ay kailangang matulungan ang mga naapektuhang mamamayan sa pagkain, tubig, face mask at mga pangangailangang medikal tulad ng gamot.
Habang ang mga employer at manggagawa ay dapat bigyan ng mas malinaw na patakaran dahilan marami ang nahihirapang magsipasok sa trabaho matapos na masuspinde ang pampublikong transportasyon.
Sa panig naman ni AKO Bicol Partylist Rep.Alfredo Garbin Jr., sinabi nito na dapat pabilisin ng mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan partikular na ang Department of Health (DOH) sa COVID 19.