MANILA, Philippines — Wala pang nakarehistrong coronavirus disease 2019 (COVID-19) diagnostic test na available sa publiko.
Ito ang nilinaw ng Food and Drugs Administration (FDA) na ang polymerase chain reaction (PCR) based lab kits na donasyon ng World Health Organization (WHO) sa Research Institute of Tropical Medicine (RITM na ginagamit kasalukuyan at ang nadebelop na test kit ng University of the Philippines-National Institutes of Health (UP-NIH) at Department of Science and Technology (DOST) na isinabak sa field testing kahapon (Marso 16) ang pinapayagan.
Ayon sa FDA, wala pang kompanyang nakapag-comply sa minimum set of requirements para sa diagnostic test para sa COVID-19.
Requirements para sa imported test kits ang License to Operate (LTO) bilang distributor at Certificate of Product Registration (CPR) mula sa reliable at mature national regulatory agency (NRA) tulad ng FDA counterparts saEstados Unidos, Japan, Singapore,South Korea, Europe at iba pa o Certificate of Prequalification o Emergency Use Listing mula sa WHO.
Sinabi ng FDA na walang delay sa pag-aapruba kung makapagsusumite rin kaagad ng kaukulang dokumento at maiisyuhan din kaagad ng certification.