^

Police Metro

13 milyon mamamayan sa Metro Manila kayang suplayan ng pagkain

Malou Escudero - Pang-masa
13 milyon mamamayan sa Metro Manila kayang suplayan ng pagkain
Tiniyak din ni Lopez na bukas ang mga bangko, tanggapan, at mga factories bagaman ay hinihikayat nila na magkaroon ng fle­xible work arrangement lalo na sa mga tanggapan.
STAR/File

MANILA, Philippines — Tiniyak kahapon ni Trade Secretary Ramon Lopez na walang dahilan para mag-panic buying ang nasa 13 milyong mamamayan sa Metro Manila dahil hindi mapuputol ang suplay ng pagkain at mga pangunahing pa­ngangailangan kahit pa nasa ilalim ng quarantine ang buong Metro Manila.

Tiniyak din ni Lopez na bukas ang mga bangko, tanggapan, at mga factories bagaman ay hinihikayat nila na magkaroon ng fle­xible work arrangement lalo na sa mga tanggapan.

Mayroon naman aniyang teknolohiya kaya maaaring magtrabaho ang isang empleyado kahit sa loob ng tahanan upang maiwasan ang paglabas.

Bukod sa mga bangko, hindi rin matitigil ang ope­rasyon ng stock market.

Papayagan ding pumasok sa Metro Manila ang mga sasakyan na may dalang cargo at puwede silang makalabas kung makakapagpakita ng delivery receipt.

Tiniyak din ni Lopez na hindi tataas ang presyo ng mga bilihin sa susunod na 60 araw matapos ideklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang public health emergency.

RAMON LOPEZ

SUPPLY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with