DOH binalaan ang mga ospital na tatanggi sa mga COVID-19 patients

Inirekomenda ni Duque sa mga Level 2 at 3 hospitals na maglagay ng ‘triage area’ para doon i-screen ang mga pasyente na hinihinalang may COVID-19.
AFP/STR

MANILA, Philippines — Nagpalabas ng babala si Department of Health Secretary Francisco Duque III sa mga pamunuan ng ospital na tatanggi na tumanggap sa mga pa­syente na  pinaghihinalaan na may taglay na 2019 coronavirus disease. (COVID-19).

Inirekomenda ni Duque sa mga Level 2 at 3 hospitals na maglagay ng ‘triage area’ para doon i-screen ang mga pasyente na hinihinalang may COVID-19.

Inililipat lamang sa referral hospital ng DOH ang mga pasyente kapag ang kondisyon nila ay lumala na. 

Ang mga referral hospital na ito ay ang Research Institute for Tropical Me­dicine, Lung Center of the Philippines, at San Lazaro Hospital.

Pinangalanan ni Duque na nakaratay sa Ma­kati Medical Center ang Patient 7 na isang 38-anyos na Taiwanese national.

Ang Patient 8 na isang 32-anyos na Pinoy ay nasa St. Luke’s Medical Center sa Taguig City; ang Patient No. 9 na isang 86-anyos na Amerikano ay nasa The Medical City sa Pasig City habang ang Patient 10 ay isang 57-anyos na Pinoy ay nasa St. Luke’s Medical Center sa Quezon City.

Tiniyak ni Duque na lahat ng ospital na pinagdalhan sa mga pasyente ay may kakayahan na pa­ngasiwaan ang kaso ng COVID-19 at may matataas na kalidad sa pangkalusugang paggamot.

Show comments