DOH binalaan ang mga ospital na tatanggi sa mga COVID-19 patients
MANILA, Philippines — Nagpalabas ng babala si Department of Health Secretary Francisco Duque III sa mga pamunuan ng ospital na tatanggi na tumanggap sa mga pasyente na pinaghihinalaan na may taglay na 2019 coronavirus disease. (COVID-19).
Inirekomenda ni Duque sa mga Level 2 at 3 hospitals na maglagay ng ‘triage area’ para doon i-screen ang mga pasyente na hinihinalang may COVID-19.
Inililipat lamang sa referral hospital ng DOH ang mga pasyente kapag ang kondisyon nila ay lumala na.
Ang mga referral hospital na ito ay ang Research Institute for Tropical Medicine, Lung Center of the Philippines, at San Lazaro Hospital.
Pinangalanan ni Duque na nakaratay sa Makati Medical Center ang Patient 7 na isang 38-anyos na Taiwanese national.
Ang Patient 8 na isang 32-anyos na Pinoy ay nasa St. Luke’s Medical Center sa Taguig City; ang Patient No. 9 na isang 86-anyos na Amerikano ay nasa The Medical City sa Pasig City habang ang Patient 10 ay isang 57-anyos na Pinoy ay nasa St. Luke’s Medical Center sa Quezon City.
Tiniyak ni Duque na lahat ng ospital na pinagdalhan sa mga pasyente ay may kakayahan na pangasiwaan ang kaso ng COVID-19 at may matataas na kalidad sa pangkalusugang paggamot.
- Latest