^

Police Metro

Mayor sa DepEd: Lahat ng estudyante ipasa

Pang-masa
Mayor sa DepEd: Lahat ng estudyante ipasa
Sinabi ni Tiangco sa isang panayam sa radio kamakalawa na ginawa niya ang kahilingan dahil meron na lang natitirang dalawa hanggang tatlong linggo para sa araling-taon.
STAR/File

Kontra sa Coronavirus

MANILA, Philippines — Hiniling ni Navotas City Mayor Toby Tiangco sa Department of Education na ipasa ang lahat ng mga estudyante sa lunsod sa school year dahil sa pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sinabi ni Tiangco sa isang panayam sa radio kamakalawa na ginawa niya ang kahilingan dahil meron na lang natitirang dalawa hanggang tatlong linggo para sa araling-taon.

“Ako ay nakiusap sa DepEd na kung puwede ipasa na lang lahat ng mga bata for this school year... para wala nang pasok for the rest of the year... Mas importante naman ho siguro ‘yung buhay ng mga bata kaysa ‘yung ituloy pa nila ‘yung two or three weeks ng pag-aaral,” sabi ni Tiangco. “May general average naman ‘yung mga bata as of this time, so baka naman pupuwedeng kung ano ‘yung general average nila, ‘yun na lang ang maging grado nila.”

“Ang gusto ho natin is ‘yung maging safe... doon tayo sa mas safe diba po? Alam niyo naiintindihan ko, importante [ang] aral, importante ‘yung grado, sa isang taon meron pa’ng pagkakataon, eh,” dagdag ng alkalde.

Naunang kinansela ng Navotas ang lahat ng klase sa lahat ng level sa mga pampubliko at pribadong eskuwelahan sa lunsod sa Lunes.

Sinabi ni Tiangco na makikipagpulong siya sa DepEd Navotas at Navotas COVID-19 task force bukas para matukoy kung hanggang kailan ang suspension ng mga klase sa eskuwelahan.

COVID-19

DEPED

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with