Injectable gluta mapanganib - FDA
MANILA, Philippines — Nagpalabas ng babala ang Food and Drugs Administration (FDA) sa publiko lalo na sa mga gusto na maging “mestisa look” na mag-ingat sa pipiliing beauty regimen.
Tinukoy ng FDA ang Glutathione IV na ina-administer ng non-health clinics tulad ng spa at beauty salon ay hindi garantisado ang kaligtasan ng kalusugan ng tao dahil wala umano itong sapat na pasilidad para sa kanilang kliyente na magkakaroon ng side effects sa gamot.
Kabilang sa posibleng maranasan ng kliyente ang hypersensitivity, o reaksiyon o intolerance ng normal immune system tulad ng allergies o autosensitivity; chest pain o pananakit ng dibdib; hirap sa paghinga; palpitation o mabilis na pagtibok ng puso; itching o pangangati at pagkakaroon ng rashes o pantal-pantal sa balat; high dose ng Vitamin C na taglay nito ay maari ding magresulta sa hemodialysis at acidic na ihi; at ang pinakamatindi ay kamatayan.
- Latest