MANILA, Philippines — Dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ay matindi ang naging epekto nito sa turismo ng bansa makaraang bumaba ng 41.4 porsyento ang pagdating ng mga dayuhang turista nitong nakalipas na buwan kumpara noong nakaraang taon.?Sa datos ng Bureau of Immigration (BI), Enero pa lamang nang maramdaman na ang paghina sa dating ng mga dayuhang turista nang makapagtala lamang ng tourist arrivals na 9.8 porsyento kumpara sa ‘double digit’ na numero noong 2019 at nang sumapit ang Pebrero, dito na tuluyang bumulusok ang dating ng mga turista.?Sinabi naman ng Department of Tourism (DOT) na naging matamlay din ang ‘occupancy rates’ sa mga kilalang destinasyon lalo na ng mga pinupuntahan ng mga turistang Chinese.
Bagsak umano ng 40 porsyento ang ‘occupancy rates’ sa Boracay at Bohol habang 27 porsyento ang ibinaba sa Cebu.
Sa kabila nito, tumaas naman ang bilang ng mga turista na nagtutungo sa Intramuros sa Maynila. Sa Fort Santiago, umakyat sa 10,000 hanggang 20,000 ang bilang ng turista nitong Pebrero kumpara sa 400-500 noong 2019 sa kaparehong buwan.??Epekto ito ng sari-saring travel restrictions na ipinatutupad hindi lamang sa Pilipinas ngunit maging ng iba pang mga bansa para maiwasan na lalo pang kumalat ang COVID-19 na galing sa Wuhan, China.