^

Police Metro

Dialysis center itatayo ng ACT-CIS

Gemma Garcia - Pang-masa
Dialysis center itatayo ng ACT-CIS
Ayon kay Cong. Eric Yap, libre ang pagpapagamot sa ipapatayong dia­lysis center at may ilang private firms na ang nag-pledge na magbibigay ng anim na dialysis machine sa ACT-CIS.
Angelika Warmuth/AFP

MANILA, Philippines — Para higit pang maka­tulong sa mga mahihirap at may sakit na pasyente sa bansa ay plano ng ACT-CIS na magpatayo ng isang dialysis center sa Metro Manila.

Ayon kay Cong. Eric Yap, libre ang pagpapagamot sa ipapatayong dia­lysis center at may ilang private firms na ang nag-pledge na magbibigay ng anim na dialysis machine sa ACT-CIS.

“Kailangan muna na­ming maghanap ng isang gusali na paglalagyan ng mga makina, kama at iba pang pasilidad na magagamit ng mga pasyente,” anang mambabatas.

Kukuha rin ang ACT-CIS ng doktor, nurse at iba pang medical staff para magpatakbo ng mga nasabing makina at personal na tumingin sa mga pasyente.

Ani Cong. Yap ay libu-libong Pilipino ang dina-dialysis araw-araw sa buong bansa dahil sa sakit sa kidney at iba pang karamdaman.

Ang libreng dialysis ay bahagi ng pangako ng ACT-CIS na tumulong sa mga mahihirap at walang malapitang pamilya sa kanilang pagpapagamot.

ACT-CIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->