MANILA, Philippines — Bilang pagkilala sa kahalagahan ng edukasyon sa mga kabataan ay inilunsad kahapon ng pamahalaan ng Taguig City ang mas komprehensibo at mas pinaangat na scholarship program na maituturing sa buong bansa.
Ito ay matapos aprubahan ang isang special session nitong Biyernes ng Sangguniang Panlungsod ang Ordinance No. 6, Series of 2020 kung saan ipagpapatuloy ang mga kasalukuyang programa ng Taguig, na nagbibigay suporta sa 55,000 scholars sa kolehiyo at 10,000 sa high school, at magdadagdag pa ng apat na bagong scholarship packages na sumusuporta naman sa mga atleta, mga estudyante sa ilang piling larangan, at sa mga public servant at kanilang mga pamilya at dependent.
Ilan sa mga bagong offerings ay ang Advancing Sports’ Competitiveness and Excellence (ASC Excellence) Scholarship Program kung saan naka-focus ito sa Taguig youth athletes na bibigyan ng supplementary allowances at ang mga makakakuha naman ng mga medal finishes at iba pang mga pagkilala ay bibigyan din ng incentives.
Isa rin sa mga bagong offering grants ang may layuning magbigay ng unlimited scholarship subsidy na aabot sa P100,000 hanggang P200,000 sa mga estudyante na kumukuha ng kursong medisina, engineering at sa iba pang fields,subalit meron itong return service agreement sa syudad. Ang programang ito ay nagbibigay ng free tuition at miscellaneous fees, book allowance, living and transportation allowance at merit incentives.?
Isa pa sa mga bagong scholarship program ay bukas para sa mga Taguig public servant ay agad na maituturing na eligible sa scholarship ay ang mga nagsisilbi sa lokal na pamahalaan at maging sa national government agencies na nakatalaga sa Taguig kagaya ng PNP, BJMP, DepEd at BFP na nais namang magpatuloy sa pag-aaral.
“Nagbibigay rin ito ng allowances at incentives mula P5,000 hanggang P100,000 kada taon sa ilalim ng pitong scholarship schemes. Patunay ang naamyendahang ordinansa na patuloy ang ating pagkilala sa dalawang central values ng Taguig City: education and inclusion,” saad ni Mayor Lino Cayetano.