^

Police Metro

Mga gusali sa Metro Manila guguho

Doris Franche-Borja - Pang-masa
Mga gusali sa Metro Manila guguho
Sakaling tumama ang intensity 8, ilang gusali sa Maynila ang maaapek­tuhan ng liquefaction o paglubog, tsunami at pagbaha.
JC Gellidon via Unsplash/CC0

Kapag tumama ang intensity 8 lindol-Phivolcs...

MANILA, Philippines — Kung sakaling tumama ang intensity 8 lindol sa Metro Manila ay mara­mi umanong imprastruktura sa Metro Manila ang posibleng gumuho at masira.

Ito ang inihayag ni Phivolcs Director at DOST Undersecretary Renato Solidum sa Meet the Press forum ng National Press Club (NPC).

Mahalaga,anya ang tulong ng  lokal na pamahalaan sakaling magkaroon ng sakuna dahil sila ang mas nakakaalam sa kalagayan ng mga residenteng maaapektuhan.

Sakaling tumama ang intensity 8, ilang gusali sa Maynila ang maaapek­tuhan ng liquefaction o paglubog, tsunami at pagbaha.

Mainam din aniyang huwag munang magtayo ng anumang istraktura sa lugar na mataas ang pa­nganib tulad na lamang ng mga bulkan na aktibo o maaaring sumabog anumang oras.

Idinagdag pa nito ang nangyayaring aktibidad sa Mayon at Taal na pinakaaktibong bulkan sa bansa ay depende sa rami ng magma na nasa loob.

Pinayuhan din ni Solidum ang mga residente na habang may nangyaya­ring aktibidad sa mga bulkan ay huwag munang bumalik ang mga residente doon upang masiguro ang kanilang kaligtasan.

LINDOL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with