EDSA People Power anniversary, ‘nilangaw’

Ginunita kahapon nina dating Vice President Jejomar Binay, dating senador Rene Saguisag at mga miyembro ng August Twenty One Movement (ATOM) ang Edsa People Power Revolution sa Ninoy Aquino statue sa Ayala Avenue, Makati City.
KJ Rosales

MANILA, Philippines — Sa kabila ng walang pasok ang mga estud­yante at ilang manggagawa sa kanilang trabaho dahil sa holiday ay mistulang “nilangaw”, hindi pinansin at konti lamang ang dumalo at nakiisa sa aktibidad ng selebrasyon ng ika-34 na taong ani­bersaryo ng Edsa People Power Revolution kahapon.

Mabibilang lang ang nakiisa sa anibersayo, hindi tulad ng mga unang taon ng pagdiriwang na ay dinudumog ng publiko lalo na ang mga kilalang tao sa gobyerno.

Idinahilan na lamang ng National Historical Commission of the Phi­lippines (NHCP), na kaya kaunti ang bilang ng mga lumahok sa selebrasyon ay dahil sa pangamba sa COVID-19.

Nabatid na simpleng flag-raising ceremony lamang ang inihanda sa EDSA People Power Monument.

Ayon sa NHCP, ang tema ng selebrasyon ngayong taon ay EDSA 2020: Kapayapaan ng Bayan, Simbolo ng Kalayaang Ipinaglaban.

Wala namang naita­lang untoward incident kaugnay na pagdiriwang at hindi rin nagkaroon ng masikip na daloy ng trapiko sa Edsa.

Inihayag naman ni Philippine National Police (PNP) Spokesman Brig.Gen.Bernard Banac na “generally peaceful” ang ginanap na paggunita sa ika-34 taong anibersaryo ng makasaysayang  EDSA People’s Power 1 Revolution sa buong bansa.

Show comments