EDSA People Power anniversary, ‘nilangaw’
MANILA, Philippines — Sa kabila ng walang pasok ang mga estudyante at ilang manggagawa sa kanilang trabaho dahil sa holiday ay mistulang “nilangaw”, hindi pinansin at konti lamang ang dumalo at nakiisa sa aktibidad ng selebrasyon ng ika-34 na taong anibersaryo ng Edsa People Power Revolution kahapon.
Mabibilang lang ang nakiisa sa anibersayo, hindi tulad ng mga unang taon ng pagdiriwang na ay dinudumog ng publiko lalo na ang mga kilalang tao sa gobyerno.
Idinahilan na lamang ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP), na kaya kaunti ang bilang ng mga lumahok sa selebrasyon ay dahil sa pangamba sa COVID-19.
Nabatid na simpleng flag-raising ceremony lamang ang inihanda sa EDSA People Power Monument.
Ayon sa NHCP, ang tema ng selebrasyon ngayong taon ay EDSA 2020: Kapayapaan ng Bayan, Simbolo ng Kalayaang Ipinaglaban.
Wala namang naitalang untoward incident kaugnay na pagdiriwang at hindi rin nagkaroon ng masikip na daloy ng trapiko sa Edsa.
Inihayag naman ni Philippine National Police (PNP) Spokesman Brig.Gen.Bernard Banac na “generally peaceful” ang ginanap na paggunita sa ika-34 taong anibersaryo ng makasaysayang EDSA People’s Power 1 Revolution sa buong bansa.
- Latest