Kapag umabot sa global pandemic...
MANILA, Philippines — Kung sakaling umabot sa global pandemic ang kaso ng 2019 coronavirus disease (COVID-19) ay tiniyak ni Health secretary Francisco Duque III na handa ang Pilipinas dahil nakamonitor ang lahat ng concern agency sa sitwasyon.
Ayon kay Duque may posibilidad umano ang pahayag ng World Health Organization (WHO) na may potensyal na maging pandemic ang COVID-19 dahil sa rami at bilis ng pagkalat ng virus.
Ani, Duque, kasado na ang protocol para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 at tuluy-tuloy ang ginagawa nilang pagsasa-ayos nito.
Unang linggo pa lang ng Enero ay pinaigting na ang mga surveillance at isolation, detection, ang contact tracing at convention measures.
Pinaiigting ang sistema upang agad na maagapan ang pagkalat ng COVID-19.