‘No permit, no rally policy’ sa EDSA People Power anniversary
MANILA, Philippines — Nasa 5,000 pulis ang idedeploy at paiiralin ang maximum tolerance kaugnay ng pagdiriwang ng ika-34 taong anibersaryo ng EDSA People Power Revolution ngayong araw at ipatutupad ng Philippine National Police (PNP) ang ‘no permit, no rally policy’.
Sinabi ni Gamboa, ipinauubaya na niya kay NCRPO Chief Police Director Major Gen. Debold Sinas ang paglalatag ng security at contingency measures kaugnay ng mga ikinakasang kilos protesta ng iba’t ibang grupo.
Kasunod nito, pinaalalahanan ni Gamboa ang publiko na maging laging mapagbantay sa anumang uri ng banta at huwag mag atubiling ipagbigay alam sa mga otoridad sakaling may makita silang kahina-hinalang tao, bagay o aktibidad.
- Latest