^

Police Metro

‘Pastillas scheme’ whistleblower isinailalim sa WPP

Doris Franche - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nasa kustodiya na ng Witness Protection Program (WPP) ng pamahalaan ang whistleblower sa “Pastillas Scheme” sa Bureau of Immigration (BI).

Ito ang inihayag ni Justice Sec. Menardo Guevarra, pasok na sa WPP si Allison Chiong base sa kahilingan nina Senator Risa Hontiveros at Senate Pres. Tito Sotto III.

Sinabi ni Guevarra na sasailalim sa mas masusi pang evaluation si Chiong bago ibigay dito ang full coverage sa WPP.

Si Chiong na Immigration Officer I ng BI ay humarap sa pagdinig ng Senado Chiong at ibinunyag ang anomalya sa ahensya.

Aniya, may mga Chinese passengers na napapayagang makapasok sa bansa nang hindi dumadaan sa “screening o profiling” kapalit ang salapi.

Batay sa pahayag ni Chiong, matagal nang nangyayari ang ‘pastillas scheme’ kung saan minsan din siyang nakinabang.

Ani Guevarra, hindi biro ang isiniwalat ni Chiong kaya marapat lamang na ibigay sa kanya ang mga kailangang tulong.

PASTILLAS SCHEME

WITNESS PROTECTION PROGRAM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with