9 mangingisda dinakip sa dynamite fishing

MANILA, Philippines — Siyam na mangingisda ang naaresto nang maaktuhan ang mga ito na gumagamit ng dinamita sa panghuhuli nila ng pangingisda sa karagatang sakop ng Brgy. 4 sa bayan ng Pio Duran, Albay kahapon.
Ang mga suspek ay kinilalang sina Gilbert Guerra, Jamer Dela Rosa, Robert Labrusto, Jonel Labrusto, Andy Paul Labrusto, Anthony Canete, Ivan Baril, Angel Gidoc at Edgar Balangbang, lahat ng residente ng nasabing lugar.
Sa ulat, alas-10:00 ng gabi nang nakarinig nang mga pagsabog ang mga residente malapit sa baybayin kaya nagsumbong sila sa mga pulis na agad namang nakipagkoordina sa BFAR.
Nagulat ang mga suspek nang dumaong sila sa Pio Duran Port ay nakaabang na ang mga pulis at tauhan ng BFAR.
Nakumpiska sa kanila ang mahigit 14-banyerang isda na durog ang laman sa loob dahil sa pinaniniwalaang ginamitan ng pampasabog.
- Latest