Langis ng niyog, nakikita bilang potensyal na lunas sa COVID-19

Sinabi ni Dr. Fabian Dayrit, isang chemistry professor ng Ateneo de Manila University, ang niyog ay mayroong antiviral agents kung saan ito ay maaaring makatulong sa paggagamot ng COVID-19.

MANILA, Philippines — Kasalukuyang pinag-aaralan ng mga eksperto ang potensyal ng langis ng niyog upang maging lunas nito sa gitna ng coronavirus disease-2019 (COVID-19).

Sinabi ni Dr. Fabian Dayrit, isang chemistry professor ng Ateneo de Manila University, ang niyog ay mayroong antiviral agents kung saan ito ay maaaring makatulong sa paggagamot ng COVID-19.

Aniya, ito rin ay sumailalim na sa pag-aaral kung saan napatunayang ito ay nakakatulong sa panggagamot ng iba pang sakit kagaya ng human immunodeficiency virus (HIV) at Junin virus na may pagkakaparehas ng COVID-19.

“As far as the available literature is concerned, it is very promising. Kasi it had been shown to work in other viruses. So, wala namang risk. So, why not try it,” ani Dr. Dayrit.

Sagana sa niyog ang Pilipinas, kaya naman sang-ayon din ang Department of Health (DOH) na mag-conduct ng clinical tests sa potensyal ng langis ng niyog.

Show comments