Bulacan drug ops: 5 todas, 18 huli

Sa ulat, ang drug pushers na si Edmar Aspirin at dalawa pa nitong kasamahan ay napatay sa palitan ng putok dakong alas-12:20 ng madaling araw nitong Sabado sa La Poblacion 1, Brgy. Muzon, San Francisco del Monte, Bulacan.
STAR/File

MANILA, Philippines — Bulagta ang limang sinasabing kilabot na mga ‘tulak’ ng droga habang 18 naman ang nasakote sa isinagawang magkakahiwalay na drug bust operation sa lalawigan ng Bulacan nitong Biyernes ng gabi hanggang kahapon ng madaling araw.

Sa ulat, ang drug pushers na si Edmar Aspirin at dalawa pa nitong kasamahan ay napatay sa palitan ng putok dakong alas-12:20 ng madaling araw nitong Sabado sa La Poblacion 1, Brgy. Muzon, San Francisco del Monte, Bulacan.

Nabatid na nanlaban umano ang mga suspek nang makatunog na pulis ang kanilang ka-deal.

Narekober naman sa lugar ang dalawang piraso ng shotgun at 12 basyo ng bala nito, tatlong piraso ng cartridge ng cal 9MM, dalawang cal 22 TCM cartridge, 18 plastic sachet ng shabu at Rusi motorcycle na walang plaka.

Samantalang bago ito, napatay din sa buy-bust operation noong Biyernes ng gabi ang mga suspek na sina Chamberlain Domingo at Chadwin Santos sa Amihan Rd., Brgy. Tungkong Mangga, San Jose del Monte  City.

Samantala, 18 pang drug suspects ang nasakote sa serye ng anti-illegal drug operation na isi­nagawa ng mga opera­tiba ng pulisya sa Meycaua­yan City, Norzagaray, San Miguel at Balagtas.

 Nakumpiska sa ope­rasyon ang 24 plastic sachet ng shabu, sari-saring mga drug paraphernalia at buy-bust money.

Show comments