17,000 katao nasa evacuation center pa
MANILA, Philippines — Nanatili pa ang mahigit 17,000 evacuees sa evacuation centers partikular sa Batangas matapos ang isang buwan sa pagsabog ng Taal volcano.
Ito ang sinabi kahapon ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Director Ricardo Jalad bagaman humina na ang aktibidad ng Taal volcano simula ng makapagtala ito ng phreatic explosion noong Enero 12.
Ayon pa sa NDRRMC, ang iba pang mga evacuees ay nanuluyan din sa iba’t ibang lugar sa CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon).
Ang pag-aalburuto ng Taal volcano ay nagresulta sa pagkapinsala ng aabot sa 2,308 kabahayan sa Batangas kung saan 328 dito ay tuluyang nawasak matapos na magdulot din ng mga paglindol.
- Latest