Chinese POGO workers bigyan ng mga ID

Idinagdag pa ni Cong.Yap, magiging madali na ring hanapin ang mga Chinese na sumabit at may kaso kapag may ID sila.
Tory Ho/AFP/File

MANILA, Philippines — Bigyan ng identification card (ID) ang lahat ng Chinese workers sa bansa, lalo na ang mga nagtatrabaho sa Philippine Offshore Gaming Operations (POGO).

Ito ang nais mangyari ni ACT-CIS Cong. Eric Yap, na siyang Chairman Committee on Games and Amusement sa Kongreso at ang pagbibigay ng ID sa mga Chinese at POGO workers ay upang mabatid at mamonitor kung sino-sino ang ligal at iligal na nagtrabaho sa bansa.

Aniya, malalaman din kung sino sa kanila ang nagbabayad ng buwis sa Bureau of Internal Reve­nue (BIR).

Nais din ng mambabatas na nakarehistro sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) at Bureau of Immigration (BID) ang ID na ibibigay sa mga Chinese POGO workers.

Idinagdag pa ni Cong.Yap, magiging madali na ring hanapin ang mga Chinese na sumabit at may kaso kapag may ID sila.

Nakatakdang magpa­awag si Cong. Yap ng pag­pupulong at iimbitahan ng kanyang Komite ang iba’t ibang ahensiya para mapag-usapan ang mga guidelines hinggil sa issuance ng naturang ID’s.

Show comments