MANILA, Philippines — Magkakaroon ng bawas sa singil ng kuryente ang Manila Electric Company (Meralco) sa paparating na bill sa Pebrero.
Magpapatupad ang Meralco ng 59 sentimo kada kilowatt hour (kwh) na bawas-singil sa kuryente ngayong buwan ng Pebrero 2020.
Ayon kay Meralco Spokesperson Joe Zaldarriaga, ito na ang pinakamababang rate na kanilang naitala sa loob ng nakalipas na dalawang taon na umabot lang sa P8.8623/kwh mula sa dating P9.4523/kwh noong nakaraang buwan.
Ayon kay Zaldarriaga, ang pagbaba ng singil ng Meralco ay dulot ng pagbaba ng generation charge ng 39 sentimo, matapos ang implementasyon ng bagong Power Supply Agreements (PSAs) simula noong Disyembre 26. Maging ang bentahan sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM) ay bumaba rin aniya ngayong buwan dahil sa mas mababang power demand at mas mahusay na supply conditions sa Luzon grid.