^

Police Metro

Vlogger umaktong may nCoV nangisay sa mall, inaresto

Joy Cantos, Jorge Hallare - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inaresto ng pulisya ang isang vlogger dahil sa paggawa nito ng kalokohang scenario sa isang mall nang magpanggap na may  sakit siyang coronavirus (nCoV) kamakalawa ng gabi sa Legaspi City, Albay.

Kinilala ang nasakoteng suspect na si Marlon de Vera, isang aktibong vlogger sa lalawigan at residente ng Purok 2, Brgy. Bigano ng lungsod.

Nakatakdang ipag­harap ng kasong alarm and scandal ng Yashano mall ang suspek matapos na magpulasan ng takbo palabas ng mall ang mga shoppers dahilan sa ginawang kalokohang scenario at pananakot nito.

Sa imbestigasyon, nangyari ang insidente, dakong alas-6:00 ng gabi sa entrance ng Yashano mall kung saan pineke ng suspek ang scenario ng nCoV patient  matapos na humilata habang nakasuot ng mask na itim, nakasuot ng puting tshirt at maong na pantalon na umarte pang hinimatay  matapos na magkunwa­ring nangingisay.

Na-ivideo pa ng kasamahan ng suspect nito at ilang saglit pa ay tumayo ang suspect saka nag-ehersisyo ng ilang dance step.

Kinamayan pa nito ang guwardya saka sina­bing may taglay siyang nCoV dahilan upang magpanic ang mga shoppers na nagpulasan ng takbo para makalayo sa mall sa tindi ng takot.

Matapos na makalaboso  ay humingi ng paumanhin ang suspect sa kaniyang ipinosteng video dahilan nais lamang umano niyang makapagpasaya sa gitna na rin ng kinatatakutang corona virus.

CORONAVIRUS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with