MANILA, Philippines — Inihayag ni Philippine National Police (PNP) Spokesman P/Brig. Gen. Bernard Banac na umaabot na sa 36% pulis ang matataba o yun mga overweight at obese na target ng Body Max Index o ang weight loss program ng pambansang pulisya.
Pero, sinabi ni Banac na hindi naman ito nakakaalarma dahilan patuloy ang proseso sa BMI o page-ehersisyo at pagdidiyeta ng mga pulis.
Una nang ipinag-utos ni PNP Chief Police Gen. Archie Gamboa ang pagsalang sa BMI o weight loss program ng mga overweight at mga obese na mga pulis.
Pinapurihan naman ng opisyal ang inisyatibong programa ni NCRPO Director Police Major Gen. Debold Sinas sa weight loss program ng mga matatabang pulis na nangako na siya mismo ang mangunguna at magiging modelo sa pagpapayat ng mga police officers na sasailalm sa BMI intense program.
Nabatid sa opisyal na nasa 3,000 overweight at obese na mga pulis sa NCRPO habang 24,000 namang mga personnels ang sumasailalim sa BMI.