Presyo ng LPG, irorolbak
MANILA, Philippines — Nakatakdang magbaba ng presyo ng liquefied petroleum gas (LPG) sa darating na Pebrero 1,2020.
Ayon sa Department of Energy (DOE), ang rolbak ay dahil sa pagbaba ng halaga ng produktong petrolyo sa world market na isa sa nakikitang dahilan ay nabawasan ang mga bumibiyahe sa isyu ng coronavirus kaya bumaba ang ‘demand’ sa petrolyo.
Ipatutupad ang rolbak sa presyo ng LPG na maglalaro sa pagitan ng P4 hanggang P6 kada kilo na nangangahulugan ito ng posibleng P44 hanggang P66 na tapyas sa kada 11-kilong tangke ng LPG na gamit sa mga tahanan.
- Latest