Iwasang kumain ng hilaw na karne, exotic animals - DOH
MANILA, Philippines — Nagpaalala ang Department of Health sa publiko na iwasang kumain ng hilaw na karne at iba’t ibang exotic food dahil sa panibagong coronavirus outbreak.
Sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III, dapat na umiwas ang publiko sa pagkain ng aso, pusa, daga, sawa, at butiki.
Kung sakaling hindi maiwasan, tiyakin na lutong mabuti ang mga karne dahil namamatay sa matinding init ang coronavirus.
Maging ang pagkain ng kilawin ay dapat na iwasan sa ngayon dahil marami umanong mikrobyo na zootonic transmission ang tawag.
Ilan sa nakukuhang sakit sa pagkain ay Severe Acute Respiratory Syndrome (SARS), human immunodeficiency virus (HIV), acquired immunodeficiency syndrome (AIDS), African swine fever (ASF), at Middle East respiratory syndrome coronavirus (MERS-CoV).
- Latest