^

Police Metro

Ex-convict, misis itinumba sa kalsada

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kapwa nasawi noon din ang isang ex-convict at misis nito matapos na pagbabarilin habang naglalakad pauwi sa kanilang bahay kamakalawa sa Brgy. Minaba, Bayawan City, Negros Oriental.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Herman Escora, 48, alyas “Ricky”, magsasaka, na may mga dating kasong robbery with homicide, frustrated murder at illegal possession of firearms and explosive, at asawa nitong si Elvira, 47.

Sa ulat, pasado alas -2:00 ng hapon sa kahabaan ng Brgy. Minaba ay kasalukuyang naglalakad na pauwi sa kanilang bahay ang mag-asawa galing sa piyestahan sa Sitio Canabuan, Brgy. Minaba nang harangin ng hindi pa nakilalang mga salarin at walang kaabog-abog na pinagbabaril ng armalite at kalibre 45 na baril.

Hinala ng pulisya na posibleng may kinalaman sa mga dating kaso ng nasabing inmate ang motibo ng pamamaslang.

vuukle comment

HERMAN ESCORA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with