^

Police Metro

Rapper na si Loonie, laya na sa P2 milyong bail

Mer Layson, Danilo Garcia - Pang-masa
Rapper na si Loonie, laya na sa P2 milyong bail
Sa 10-pahinang kautusan ni Judge Elmo Ala­meda ng Makati RTC Branch 150 nitong Enero 23, pinayagang makapagpiyansa ng P2-milyon ang akusadong si Marlon Penoramas, alyas “Loonie”, habang dinidinig ang kaso niyang paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

MANILA, Philippines — Matapos makapag­lagak ng piyansa, pansamantalang nakalaya na ang fliptop rapper na si Loonie na nasakote ng mga otoridad sa isang buy-bust ope­ration at nakumpiskahan ng ‘high grade marijuana’ noong nakaraang taon.

Sa 10-pahinang kautusan ni Judge Elmo Ala­meda ng Makati RTC Branch 150 nitong Enero 23, pinayagang makapagpiyansa ng P2-milyon ang akusadong si Marlon Penoramas, alyas “Loonie”, habang dinidinig ang kaso niyang paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Nakalabas ng Makati City Jail si Loonie dakong alas-6:50 kamakalawa ng gabi matapos na matanggap ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang desisyon ng korte at nang makapagsampa ng kaukulang piyansa ang akusado.

Bukod kay Loonie, nakalaya rin ang mga kapwa niya akusado na sina Idyll Liza Penoramas at David Rizon na naglagak naman ng P2-milyon at P.5 milyong halagang piyansa, ayon sa pagkakasunod.

Sa social media post ng kampo ni Loonie sa kanyang Facebook account, tatlong rason umano ang dahilan para mapagbigyan ang hiling nilang piyansa.

Sa rekord, inaresto ang tatlo ng mga tauhan ng Makati City Police-Station Drug Enforcement Unit sa ikinasang buy-bust ope­ration sa parking area ng isang hotel sa may Polaris St. sa Brgy. Poblacion, ng naturang lungsod. Tinatayang nasa 15 sachet ng ‘kush’ o high-grade marijuana ang umano’y nakumpiska sa grupo ni Loonie.

Sumikat si Loonie bilang host ng mga ‘fliptop rap battles’ at isa ring recording artist.

LOONIE

MARLON PENORAMAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with