Libreng gamot sa Quezon City residents, isinulong

Ayon kay Rillo, nagsagawa siya ng survey sa mahihirap na constituents at dito ay kanyang natuklasan na maraming pamilya na may mga sakit na high blood at diabetes ang hindi na nakabibili ng kanilang mga gamot dahil mas ­inuuna ang makabili ng pagkain para sa kuma­kalam nilang sikmura.
File

MANILA, Philippines — Isinulong ni 4th District Quezon City Councilor Imee Rillo ang progra­mang pangkalusugan kabilang na ang regular na pamamahagi ng ‘maintenance medicines’ sa mga karapat-dapat na ‘constituents’ sa lungsod.

Ayon kay Rillo, nagsagawa siya ng survey sa mahihirap na constituents at dito ay kanyang natuklasan  na maraming pamilya na may mga sakit na high blood at diabetes ang hindi na nakabibili ng kanilang mga gamot dahil mas ­inuuna ang makabili ng pagkain para sa kuma­kalam nilang sikmura.

Upang matugunan ang problema, isang memorandum of agreement (MOA) ang nilagdaan ni Rillo sa apat na ospital na pinatatakbo ng gobyerno na aayuda sa  medikal at pagpapalibing ng mahihirap na residente ng lungsod.

Maging ang mga mahihirap na pamilya na namatayan ng kanilang mga mahal sa buhay ay sasagutin na rin ang li­bing sa pamamagitan nina Barangay Chairman Rodel Lobo may-ari ng Wyn Funeral Services at Debra Navarro ng Amber Funeral Services na kabilang rin sa lumagda sa MOA

Show comments