P650 minimum wage isinusulong
MANILA, Philippines — Isinusulong ni Kabayan partylist Rep. Ron Salo ang P650 minimum wage ng mga manggagawa sa buong bansa upang hindi na umano magtrabaho pa sa ibang bansa ng mga Pinoy,
Aniya, ang hindi pantay pantay na minimum wage level sa iba’t ibang rehiyon sa bansa ay hindi patas sa mga manggagawa dahil ang presyo naman ng mga bilihin ay matataas kahit saan panig ng bansa.
Sa ilalim ng House Bill 668 na inihain ni Salo, layon nito na itaas sa P650 ang minimum daily wage sa buong bansa upang sa ganitong paraan ay hindi na kakailanganin pang umalis ng mga Pinoy at dito na lamang manatili kasama ang kanilang mga pamilya.
Panahon na umano para kumilos ang wage boards para makinabang sa tumataas na ekonomiya ng bansa ang mga trabahador lalo na ang mga nasa kanayunan.
Nagtataka si Salo kung bakit ang mga manggagawa mula sa pribadong sektor ay iba-iba ang minimum wages depende kung saan sila nakatalaga kahit na pareho lang ang kanilang mga trabaho, habang ang mga empleyado naman sa gobyerno ay pareho ang bayad kahit saan ang kanilang area maging sila ay nasa Metro Manila o mga malalayong lalawigan.
- Latest