MANILA, Philippines — Isang dosenang missiles ang pinakawalan kahapon ng Iran at pinuntirya ang dalawang base ng Amerika at coalition forces sa Iraq.
Iniulat ng Iranian state media ang pagpapakawala ng missiles at inako na rin ng Iran ang ginawang pag-atake sa Ain al-Asad airbase.
Sa ulat, inaalam pa ng Amerika ang pinsala nang pag-atake na lalong nagpalala ng tensiyon sa pagitan ng Amerika at Iran.
Ang pagpapakawala ng missiles ng Iran ay inaasahang ganti sa pagpaslang ng Amerika sa isa sa mga makapangyarihang opisyal ng Iran na si Qasem Soleimani.
Sa opisyal na Twitter account ay sinabi ni US President Donald Trump na “All is well.”
Sinabi rin ni Trump na inaalam na kung may namatay at laki ng pinsala ng missiles attack at magpapalabas ng opisyal na pahayag sa ginawang pag atake ng Iran.
Ipinagmalaki pa ni Trump na ang Amerika ang may pinakamalakas at pinakamaraming gamit militar sa buong mundo.