Mga matatabang pulis inutusang magpapayat
MANILA, Philippines — Sa pag-umpisa ng bagong taon, ipinag-utos ng tumatayong pinuno ng Philippine National Police (PNP) sa matatabang pulis na magpapayat.
Sa press conference sa Camp Crame kahapon, sinabi ni PNP officer in charge Lt. Gen. Archie Gamboa na haharap sa mga parusa ang mga pulis na hindi maaabot ang tama nilang body mass index, gaya ng hindi pag-schooling, na isang requirement para ma-promote ng ranggo sa hanay ng pulisya.
Hindi lang para sa imahe ng PNP ang kautusan kundi para sa kalusugan ng bawat pulis.
“This is not all about ‘yong image ng PNP na dapat walang tiyan but this is more on individual responsbility,” ani Gamboa.
Sakop ng utos ang lahat ng miyembro ng pulisya, mula kay Gamboa, sa regional directors, hanggang sa pinakamababa umanong ranggo.
Ang “Body Max Index” ay kabilang sa marching order ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año sa PNP kabilang din ang tamang asal, basic good manners, right conduct at tamang bihis.
Ipinahiwatig naman ni Gamboa na kabilang sa pinagdi-diyeta ay si Police Brig. Gen. Debold Sinas, Director ng National Capital Region Police Office (NCRPO) .
“Meron syang particular target. Don’t worry,
last week ko pa siya ni-remind at nagsimula na siyang bumili ng yogurt and you will see for yourself pero dapat sabayan nyo rin kami ha,” anang opisyal.
Inihalimbawa ni Gamboa na sa tulad niya na 55-anyos na at 56 ½ ang taas ang ideyal na timbang na nararapat para sa kaniya ay 172 pounds at dahil sumobra siya ng apat na pounds dahilan sa pagdiriwang ng kapaskuhan ay medyo magdi-diyeta rin siya.
Anya, nais ng liderato ng PNP na mabuhay ng matagal ang mga pulis kaya dapat na panatilihin ang malusog na pangangatawan at kapag hindi mo ito napanatili ay baka hindi ka na abutin ng pagreretiro.
- Latest