MANILA, Philippines — Isang 31-anyos na lalaki na umano’y drug pusher ang nadakip ng mga otoridad sa isang buy-bust operation at nakumpiska ang nasa P500,000 halaga ng shabu at mga tabletas ng ecstacy sa Taguig City, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ang suspek na si Michael Gumaro, alyas “Putol”, may-asawa ng Block 66, Lot 2, Phase 3, Brgy. Upper Bicutan ng naturang lungsod.
Sa ulat, alas-9:30 ng gabi nang ikasa ang buy-bust operation makaraang makumpirma ang talamak na operasyon ng suspek sa pagbebenta ng iligal na droga sa kaniyang lugar.
Matagumpay na nakabili ang poseur buyer ng mga pulis ng isang plastic sachet ng shabu kaya nagbigay na ng hudyat para arestuhin ang suspek sa mga nakatagong mga pulis.
Anim na plastic sachet ng shabu na may timbang na 83 gramo at may halagang P564,400 at limang tabletas na hinihinalang ecstacy na may halagang P8,500 ang nakumpiska sa suspek, drug paraphernalias at baril.