^

Police Metro

10 fratmen no bail sa ‘Atio’ slay

Ludy Bermudo - Pang-masa
10 fratmen no bail sa âAtioâ slay
Ang sampung akusado ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 8049 o Anti-Ha­zing Law na may katapat na parusang hanggang 40 taong pagkakabilanggo.
The STAR/Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Hindi pinagayan ng Manila court ang hiling para makapag-piyansa ang sampung akusadong mi­yembro ng Aegis Juris fraternity kaugnay sa ha­zing na ikinasawi ni Horacio “Atio” Castillo III.

Nabatid na noong Dis­yembre 10, 2019 ang petsa ng 56-pahinang desisyon ni Presiding Judge Marivic Balisi Umali ng Manila Regional Trial Court,  Branch 20.

Ito’y dahil sa mala­kas umano ang ebidensiyang may kinalaman ang isa’t-isa para hindi payagang makalaya pansamantala ang mga akusado.

Ang sampung akusado ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 8049 o Anti-Ha­zing Law na may katapat na parusang hanggang 40 taong pagkakabilanggo.

Kabilang sa sampung nabigong makapagpiyansa sina Arvin Balag, Mhin Wei Chan, Axel Munro Hipe, Oliver John Audrey Onofre, Joshua Joriel Macabali, Ralph Trangia, Robin Ramos, Jose Miguel Salamat, Danielle Hans Matthew, at Marcelino Bagtang. Sila ay mananatiling nakapiit sa Manila City Jail habang dinidinig ang kaso.

Si Castillo ay namatay nang isailalim sa hazing noong Setyembre 17, 2017.

Dinala siya sa Chinese General Hospital kung saan idineklarang dead-on-arrival.

Noong Hunyo 2019, ang isa pang akusado na si John Paul Solano, na miyembro rin ng nasabing fraternity ang natukoy na nagdala sa pagamutan kay Castillo, ay nahatulan ng hanggang 4 na taon at 2 buwang kulong, sa kasong obstruction of justice sa hiwalay na korte.

AEGIS JURIS FRATERNITY

HORACIO “ATIO” CASTILLO III

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with