3 nene nahulog sa ilog, nalunod
MANILA, Philippines — Nalunod ang tatlong batang babae na ang dalawa rito ay magkapatid matapos na sila ay mahulog sa ilog noong Sabado, Barangay Taal, Bocaue, Bulacan.
Ang magkapatid ay nasa edad 9 at 6, habang ang 10-anyos ay kanilang kalaro.
Sa imbestigasyon, naglalaro ang tatlong biktima sa pampang ng ilog dakong alas-2;00 ng hapon nang gumuho ang tinutuntungan nilang lupa at nagtuluy-tuloy ang mga itong dumausdos sa ilog na may lalim na aabot sa 15 talampakan.
Hindi kinaya ng tatlo na makaahon at agad tinangay ng agos ng ilog hanggang sa tuluyang lumubog at malunod.
Bagamat naging mabilis ang ginawang rescue operation ng ilang lalaking residente sa lugar ay patay na ang mga biktima nang masagip.
Dahil sa nasabing insidente ay agad na nilagyan ng steel railings ang ilog habang nangako naman ng tulong pinansyal ang pamunuang bayan ng Bucaue sa pamilya ng mga batang biktima.
- Latest