Star City hindi sinunog

Sinabi ni Bureau of Fire Protection, Spokesperson Gerrandie Agonos, nagmula sa uminit na ballast ng fluorescent sa compound ang dahilan ng pagkakaroon ng apoy na kumalat sa entertainment city compound noong Oktubre 2, 2019.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Lumalabas sa imbes­tigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP) na nag-overheat ang ilaw na naging sanhi ng pagkasunog ng Star City at inalis ang anggulong sadyang sinunog.

Sinabi ni Bureau of Fire Protection (BFP), Spokesperson Gerrandie Agonos, nagmula sa uminit na ballast ng fluorescent sa compound ang dahilan ng pagkakaroon ng apoy na kumalat sa entertainment city compound noong Oktubre 2, 2019.

Isinantabi na ang isyu na may arsonistang gumawa dahil sa na-trace na gasolina at bulak na posibleng dahilan umano ng sunog.

Dahil umano sa pag-init ng fluorescent lamp ay umapoy ito at nadikit pa sa nakasabit na artificial plants at stuffed toys.

Ang resultang ito ay mula umano sa inilabas na imbestigasyon ng Interagency Anti-Arson Task Force at hindi ang initial findings noon ni Pasay City Fire Marshal Supt. Paul Pili na una nang itinanggi ng Star City management dahil wala umanong motibo ang kanilang pamunuan para gawin ito.

Show comments