Brownouts inaasahan sa 2020 sa tag-init
MANILA, Philippines — Inaasahan umano muli ang mga brownout sa tag-init sa taong 2020 kasunod ng pagnipis umano ng suplay ng kuryente sa bansa.
Ito ang sinabi ni DOE Undersecretary Felix William Fuentebella na maaaring magdulot ng mga “brownouts” kaya ngayon pa lamang ay nagpapasabi na ang DOE sa Meralco, National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), at ibang mga electric cooperatives, maging sa mga konsyumer na magtipid sa paggamit ng kuryente.
Sinulatan na ng DOE ang Meralco para mag-umpisa nang maghanap ng mga alternatibong pagkukunan ng kuryente na kanilang idini-distribute sa kanilang mga kostumer.
Sinabi ni Meralco spokesman Joe Zaldarriaga na may mga nakahanda silang pinagkukunan ng kuryente ngunit ikinatwiran na hindi rin nila kontrolado kung magkakaroon ng pagpalya ng mga planta lalo na sa tag-init.
Pinakamabisa pa rin umano na ngayon pa lamang ay magtipid na sa paggamit ng kuryente ang mga establisimiyento lalo na ang mga malalaking establisimiyento.
- Latest