MANILA, Philippines — Magkakaalaman na sa Enero 6 ng susunod na taon kung ano ang kongkretong hakbang na gagawin ng pamahalaan laban sa dalawang water concessionaires.
Una nang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na aasuntuhin ng gobyerno ng economic plunder ang Maynilad at Manila Water dahil sa umano’y labis na ginawa nitong pananamantala sa mga water consumers.
Sinabi ni Cabinet secretary Karlo Alexei Nogales, marami nang nabasa si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga report na naisumite na sa kanya ng DOJ, Office of the Solicitor General gayundin ng MWSS na may kinalaman sa onerous contract na pinasok ng gobyerno sa dalawang pribadong kumpanya.
Anya, mas maraming panahon ngayong holiday season ang Chief Executive na basahin ang report na naisumite na sa kanya kabilang ang ulat galing sa Department of Finance at mula doon ay makabuo na ang Pangulo ng kongkretong hakbang laban sa Maynilad at Manila Water.