Marikina drug raid: 9 timbog sa P1-M shabu
MANILA, Philippines — Siyam katao ang nadakip sa serye ng anti-drug operation sa Marikina City at nasa 156 gramo ng shabu ang nakumpiska na aabot sa mahigit P1,047,200.00 ang halaga.
Ang mga naaresto ay kinilalang sina Jomar Magulamas, 20; Khalid Magulamas,30; security guard; Faisad Magulamas, 26; Jessa Magulamas; pawang mga residente ng No. 3 Emerald Street, Concepcion Subdivision, Brgy. Concepcion Uno ng lungsod; Arnel Magulamas, 22; April Parro; Chris Pederiano; Bainot Magulamas; at Bryan Capillan.
Ang mga suspek ay nasakote sa loob ng apat na araw na operasyon simula nitong Disyembre 15 bago ang Simbang Gabi hanggang kahapon ng madaling araw.
- Latest