LRT-2 magbibigay ng libreng sakay sa Rizal Day
MANILA, Philippines — Magbibigay ng libreng sakay sa publiko ang LRT-2 sa Disyembre 30, Rizal Day.
Ito ang inihayag ng pamunuan ng Light Rail Transit Authority (LRTA) bilang pakikiisa sa paggunita ng ika-123 anibersaryo ng kabayanihan ng Pambansang Bayani na si Dr. Jose Rizal.
Ayon sa LRTA, ang libreng sakay ay maaaring i-avail ng publiko mula 7:00 AM hanggang 9:00 AM at mula 5:00 PM hanggang 7:00 PM sa nasabing araw.
Ang LRT-2 ang siyang nag-uugnay sa Santolan, Pasig City at Recto Avenue sa Maynila, ngunit dahil sa naganap na sunog sa rectifier nito noong Oktubre, ang operasyon nito ay tumatakbo lamang sa ngayon mula Recto hanggang Cubao, Quezon City at pabalik.
- Latest